Pondo Para Sa Public Cemetery Ng GenSan Dinagdagan
October 26, 2018
3 sundalo patay sa bakbakan ng militar at Abu Sayyaf sa Sulu
October 26, 2018
Show all

Higit 4-M katao inaasahang bibisita sa mga sementeryo sa Metro Manila

Inaasahang nasa mahigit apat na milyong Pilipino ang bibisita sa mga sementeryo sa Metro Manila sa Nobyembre 1.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director General Guillermo Eleazar, sa Manila North at South cemetery pa lamang ay inaasahang papalo ang nasa 1.4 na milyong tao.

Dahil dito, mahigpit ang ginagawang paghahanda ng NCRPO para tiyakin ang seguridad sa paggunita sa Undas.

Sinabi ni Eleazar na nasa mahigit 2,500 pulis ang kanyang ipapakalat sa 78 sementeryo habang 234 naman na pulis ang ide-deploy sa 38 columbariums.

Maliban dito, paglalagay din ang NCRPO ng police assistance desks sa lahat ng trangkahan ng mga sementeryo upang tugunan ang pangangailangan ng publiko kabilang ang isyu ng kriminalidad.

—-

 

 

 



Comments are closed.