Isang bata patay sa sunog sa Quezon City
February 11, 2019
DOJ tiniyak ang patas sa resolusyon sa mga kaso laban kay Duque kaugnay ng dengvaxia
February 11, 2019
Show all

Halos 12,000 kaso ng HIV-AIDS naitala ng DOH

Halos 12,000 mga bagong kaso ng HIV-AIDS ang naitala ng DOH o Department of Health noong nakaraang taon.

Bahagya anilang mataas ito kumpara sa mga naitalang kaso noong 2017.

Ayon sa HIV/AIDS Registry Ng Epidemiology Bureau ng DOH, nasa 877 bagong kaso ang na-iulat sa kanila noong Disyembre.

Ito Ang dahilan kaya’t sumampa sa 11,427 ang nadagdag na kaso ng HIV-AIDS sa buong taon ng 2018.

Apat sa mga bagong kaso ay mga buntis na mula sa NCR, regions 2, 3 at 4.

Nananatili namang nangungunang dahilan ng pagkahawa sa HIV-AIDS ang pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki na umaabot sa 88 porsyento.

Comments are closed.