Duterte kuntento sa kinalabasan ng clearing ops sa buong bansa — DILG

Duterte kuntento sa kinalabasan ng clearing ops sa buong bansa — DILG

by Powered by DWIZ
0 comment 20 views

Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang clearing operations ng mga lokal na opisyal sa buong bansa.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasiyahan ang Pangulo sakanilang isinumiteng report at binati pa nito ang mga ahensya ng lokal na opisyal na nakipagtulungan sa naturang hakbang.

Batay sa report ng DILG, nasa 6,899 ang mga kalye na nalinis mula sa mga obstruction sa loob lamang ng 60 araw.

Samantala, nasa 98 lokal na pamahalaan ang hindi nakasunod sa ipinag-utos ni Pangulong Duterte na clearing operation.

0 comment

Related Posts