Radio Philippines Network
Headlines National News

DOTR itinanggi ang akusasyon na dumadanas ng ‘mass transport crisis’ ang bansa

Itinanggi ng Department of Transportation (DOTR) ang aksusasyon ng isang militanteng grupo na dumadanas ng mass transport crisis ang bansa.

Ito ay matapos ipahayag ni Bayan o Bagong alyansang makabayan secretary general Renato Reyes Jr. na nasa gitna ng mass transport crisis ang Pilipinas dahil sa pagkasira ng 3 Mass Rail Transit system noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Transportation assistant secretary Goddes Libiran, hindi tama na sabihing may mass transport crisis dahil nagkaroon na ng umanoy “significant improvement” ang sinasabi ni Reyes na mga riles.

Paliwanag pa nito, dumadami na ang mga rail lines sa bansa at nakikita at nasosolusyunan na ang problema sa mga ito.

Matatandaang nasunog ang rectifier ng LRT 2 noong nakaraang Linggo na nagdulot ng suspensyon ng operasyon ng naturang railway system.

Related posts

Nasa 40,000 OFWS tutulungan ng OWWA na makauwi ng probinsya

Powered by DWIZ

Mahigit 100 pamilya inilikas matapos sumiklab ang putukan sa pagitan ng militar at NPA sa Negros Occidental

Powered by DWIZ

25 pesos na umento sa suweldo epektibo na sa Nobyembre 27

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More