Radio Philippines Network
Headlines National News

Diplomatic protest hinggil sa Reed Bank incident laban sa China inihain na

Kinumpirma ni Foreign Secretary Teodoro Locsin na nakapaghain na siya ng diplomatic protest hinggil sa nangyaring banggaan sa Recto Bank sa West Philippine Sea kung saan tinamaan ng barko ng China ang bangkang pangisda ng Pilipinas.

Nakasaad sa Twitter post ni Locsin na nag-‘fired off’ na siya ng diplomatic protest, kahapon, Hunyo 12.

Samantala, tinawag namang “barbaric” at “uncivilized” ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang naturang pagkilos ng mga tao ng China.

Magugunitang sinabi rin ni Armed Forces of the Philippines Western Command spokesman Lieutenant Colonel Stephen Penetrante na posibleng sinadya ang naturang banggaan… kung aksidente aniya ito ay dapat na tinulungan sana ng mga Chinese crew ang mga mangingisdang Pilipino.

Related posts

13 out of 18 na kaso sa pagpatay sa mga local chief executives naresolba na — PNP

Powered by DWIZ

99,000 Pinoy nasagip ng lockdown vs. COVID-19 —Roque

Powered by DWIZ

Closing ceremony ng SEA Games ngayong araw inaasahang magdudulot ng mabigat na trapiko sa Metro Manila

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More