33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Davao: Retired police nahuling may kalaguyo sa loob ng isang inn

- Advertisement -

Adultery, Concubinage at paglapas sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children in relation to Emotional and Psychological Abuse ang mga kasong haharapin ng isang retiradong pulis na nagviral sa social media matapos mismong maaktuhan ng kaniyang asawa at mga anak sa lood ng isang Inn sa Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon kay Police Major Jake Goles, Station Commander sa Sasa Police Station. Setyembre 7 ng umaga, nagsampa ng blotter ang asawa matapos itong makakumperma na may ibang kinakasama sa boarding house ang lalaki na kaagad din namang nirespondehan ng kapulisan.

Ayon kay Police Major Goles “Pagka-gabi tumawag sila ulit at humingi sila ng police assistance kasi allegedly nandoon sa inn iyong lalaki at ang babae, nagpatulong sila na pasukin nila, nung pumasok na ang pamilya na-caught in the act talaga ng misis na nagkaroon talaga ng intercourse sa loob”.

Detain na ngayon ang retired police habang nakalabas matapos mag-bail ng P3,000 ang babaeng suspek na haharap din sa kasong concubinage o paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (RA 9262) in relation to Emotional and Psychological Abuse.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -