35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Davao: Nakaanak na isang fruit vendor sa Bukidnon tinulungan ng dalawang mga pulis

- Advertisement -

Tinulungan ng dalawang babaeng pulis ang isang fruit vendor na nanganak sa gilid ng national highway sa Barangay 4, Malaybalay City, Bukidnon, Biyernes, Hunyo 10, alas 2:00 ng hapon.

Visit RPN DXKT Davao

Dali-daling rumesponde ang dalawang mga pulis na sina  PSSg Theresa Warguez at PSSg Leila Pacuribot matapos makarinig ng isang babaeng humihingi ng tulong sa loob ng isang tindahan sa botika.

Paglabas nila, may isang fruit vendor na nanganak sa gilid.

Nakita ng dalawang pulis na mahina ang bata, kaagad nila itong kinuha at hinimas-himas ang likod hanggang sa ito ay umiyak.

Kaagad nilang dinala ang mag ina sa ospital sakay ang ambulansya.

(Source: Malaybalay City Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -