Chief of police ng Bacolod City sinibak ni Pangulong Duterte
January 13, 2019
Pilipinas posibleng maging upper middle country ngayong 2019
January 13, 2019
Show all

Dating DFA Sec Albert Del Rosario itinuturong sangkot sa nangyaring anomalya sa DFA

Patuloy pa rin umano sa pag-iimprenta ng pasaporte ang dating pribadong printing company ng DFA o Department of Foreign Affairs.

Ito’y ayon kay dating foreign affairs secretary Perfecto Yasay Jr, kahit pa inilipat na ng kagawaran ang mandato sa ibang kumpaniya para gawin ang pagpoproseso sa mga pasaporte.

Kasunod niyan, binanatan din ni Yasay ang pagiging tiwali umano ng ilang opisyal ng DFA para payagan pa rin ang dating service contractor nito na iligal na makapag-imprenta ng mga pasaporte kahit ito aniya’y labag na sa batas.

Taong 2006 aniya nang pumasok sa isang kasunduan ang DFA at ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa isahang pagbili at paggawa ng mga machine readable passports alinsunod sa pamantayan ng International Civil Aviation Organization.

Dahil dito, napunta ang kontrata sa Francois – Charles Oberthur Fiduciare (Franzua Charles Avetwa – Fadushey), isang kumpaniyang pranses na nakabase sa Makati City noong 2015.

Subalit binigyan din ng kontrata ng DFA ang Apo Production Unit na pagmamay-ari ng gobyerno sa kundisyong hindi ito kukuha ng pribadong kumpaniya bilang sub-contractor.

Ang mga ito aniya ay nangyari noong 2015 sa ilalim ng panunungkulan ni dating dfa sec. Albert Del Rosario.

Comments are closed.