Business One-Stop-Shop Naka-Kolekta Na Nan 5 Milyon Ka Pesos Kapin Suyod Sa Duha Ka Adlaw
January 11, 2019
Duterte admin hindi na bibili ng armas sa US
January 11, 2019
Show all

Cotabato City posibleng isailalim sa Comelec control

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasailalim sa Cotabato City sa kanilang kontrol.

Kasunod na rin ito ng nangyaring pambobomba sa lungsod na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa noong Disyembre 31.

Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, lumabas din aniya sa assessment ng kanilang mga election officers na may problema sa seguridad at peace order sa Cotabato City bukod pa sa insidente ng pambobomba.

Sakaling isailalim na sa kontrol ng COMELEC ang Cotabato City, agad na bubuo ng task force na mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga security measures sa lungsod.

—-

 

 

 

Comments are closed.