Duterte muling idinepensa si Faeldon at Lapeña
November 9, 2018
Sandiganbayan magpapasya na sa plunder case vs. ex-Sen. Revilla
November 9, 2018
Show all

CBCP kinondena ang ipinatutupad na ‘mandatory pregnancy test’ ng kolehiyo sa Baguio

Kinondena ng mga opisyales ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang ipinatutupad na polisiya ng Pines City Colleges sa Baguio na isailalim sa mandatory pregnancy test ang kanilang mga estudyante.

Ayon sa Executive Secretary ng CBCP’s committee on public affairs na si Fr. Jerome Secillano, hindi makatutulong sa edukasyon ng mga mag-aaral ang pagsailalim sa mga ito sa isang pregnancy test.

Habang, sinabi naman ni Bishop Roberto Mallari na dapat munang tiyakin ng pamunuan ng kolehiyo na sang-ayon ang mga magulang ng estudyante sa patakaran na ito.

Batay sa inilabas na memo ng kolehiyo, magsasagawa ito ng mandatory pregnancy test sa mga estudyante ng college of nursing, pharmacy at dentistry.

Nilinaw naman ng pamunuan ng Pines City Colleges na sinangayunan ng mga estudyante ang nasabing polisiya.

Comments are closed.