Britney Spears posibleng hindi na muling makapag perform

by Powered by DWIZ
0 comment
Britney Spears posibleng hindi na muling makapag perform

Posibleng matagalan pa bago muling makapag perform ang 90’s Pop Star Britney Spears dahil sa kanyang mental health problem.

Ayon sa long time manager ni Spears na si Larry Rudolph, hindi na gumagana ang iniinom na gamot ni Spears para sa kanyang sakit.

Aniya, bagamat  kalalabas lamang ni Spears sa isang mental facility ay nahaharap na ito sa financial battle at lubhang pag aalala sa kalagayan ng kalusugan ng kanyang ama.

Una nang kinansela ni Spears ang kanyang series of show sa Las Vegas dahil sa kanyang kondisyon.

Related Posts