33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

BBL inaasahang ganap nang magiging batas sa susunod na linggo

- Advertisement -

Posibleng malagdaan upang maging ganap na batas ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa susunod na linggo.

Ayon kay Bicam Senate Panel Chairman Juan Miguel Zubiri, kayang maihabol pa sa gaganaping bicameral conference ang ilang isyu na maituturing na deadlock.

Partikular na aniya dito ay ang Article 17 at 18 kung saan sangkot ang isyu sa teritoryo at plebesito.

Para naman kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, maaari na rin aniyang maisumite ang BBL para sa konsiderasyon ng Pangulo ngayong linggo at kung maaprubahan ito ay maaaring itong ratipikahan sa pagbabalik sesyon sa Hulyo 23.

Target na malagdaan ito ng Pangulo bago ang kanyang State of the Nation Address o SONA.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -