Batas na nagpapataw ng parusa sa mga nagpapakalat ng fake news pasado na sa Singapore

by Powered by DWIZ
0 comment
Batas na nagpapataw ng parusa sa mga nagpapakalat ng fake news pasado na sa Singapore

Pasado na sa Singapore ang batas na nagpapataw ng parusa sa mga nagpapakalat ng fake news.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga mapapatunayang lumabag dito ay papatawan ng hanggang $735,000 na multa at pagkakakulong ng hanggang 10 taon.

Inatasan din nito ang social media sites tulad ng Facebook at Twitter na maglagay ng warning sa mga posibleng mali o pekeng balita.

Related Posts