Bangka nasunog sa Sulawesi Island sa Indonesia

Bangka nasunog sa Sulawesi Island sa Indonesia

by Powered by DWIZ
0 comment 42 views

Patay ang pito katao at apat ang nawawala matapos masunog ang isang ferry sa Sulawesi Island sa bansang Indonesia.

Patungo ang nasabing ferry sa isla ng Central Sulawesi nang bigla na lang ito sumabog ayon sa police report.

Iniimbestigahan na ang naging sanhi ng pagsabog ngunit ayon sa mga otoridad ay maaaring sumabog ang diesel tank ng barko.

Samantala, inilunsad na ang search and rescue operations para sa apat pang nawawala.

0 comment

Related Posts