35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Bagyong Samuel bumilis at nag-landfall sa Iloilo

- Advertisement -

Bumilis at tumama na sa kalupaan ng Iloilo Province ang bagyong Samuel.

Ayon sa PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Barotac Nuevo sa Iloilo kaninang alas-9:00 ng umaga.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Leganes sa Iloilo taglay ang lakas ng hanging papalo sa apatnapu’t limang (45) kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa animnapu’t limang (65) kilomtero kada oras.

Kumikilos ang bagyong Samuel sa direksyong pakanluran timog kanluran sa bilis na apatnapung (40) kilometro kada oras.

Kasalukuyang nakataas ang signal number 1 sa Romblon, katimugang bahagi ng Oriental Mindoro, Southern Occidental Mindoro, Palawa kabilang ang Calamian Group of Islands at Cuyo Islands , Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Guimaras, Aklan at Antique.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -