GOV. MIGZ VILLAFUERTE NAGPALABAS NG MEMORANDUM SA PAPALAPIT NA BAGYONG SAMUEL

0
55

Nag-palabas ng memorandum ang tanggapan ng gobernador ng Camarines Sur kung saan ipina-paalala nito sa lahat ng Municipal Disaster Risk Management Office (MDRRMO) at mga Barangay Disaster Risk Reduction Management Communities (BDRRMC) sa pamamagitan ng mga punong baranagay na gawin ang nararapat na hakbang para maging handa sa maaaring maging epekto sa pagdaan ng bagyong Samauel.

Sa memorandum sinabi ni Gov. Migz na kinakailangan na gawin ang kinakaukulang paghahanda lalo na sa mga barangay na may mga residenteng nasa vulnerable location at siguraduhin ang kaligtasan ng mga ito.

Ipinag-utos pa ng gobernador na siguraduhing activated ang lahat na operation centers sa buong lalawigan at kinakailangan di9n na updated ang reporting ng mga ito sa PDRRMO.

Sa ngayon, mayroong 40 stranded na pasahero sa Pasacao Port at ina-asahan na tataas pa ito habang hindi pa nakakadaan ang Bagyong Samuel.

_Mark Rodriguez_

Leave a Reply