Bacoor detention cell kung saan nakatakas ang 23 preso overcrowded

0
66

Overcrowded ang temporary na kulungan sa Bacoor City Cavite kung saan nakatakas ang 23 inmates noong Lunes.

Ayon kay Bacoor Police Chief Superintendent Vicente Cabatingan, meron lamang kapasidad na hanggang 100 inmates ang nasabing temporary detention facility, pero nasa 446 ang bilang ng mga nakakulong dito nang mangyari ang jailbreak.

Dagdag pa ni Cabatingan, hindi rin angkop ang disenyo ng gusaling kinalalagyan nito bilang detention facility ang lalo’t lamang malayo ito sa headquarters at ginamit lamang ito noong opisina.

Sa ngayon, 14 na sa preso na tumakas mula sa Bacoor City Custodial Center ang naibalik na sa kulungan.

Habang nahaharap naman sa kasong administratibo at kriminal ang limang nagbabantay sa nasabing kulungan nang manyari ang jail break.

—-