Albayalde sinisimulan ng mag-turnover ng mga tungkulin sa itatalagang hepe ng PNP

Albayalde sinisimulan ng mag-turnover ng mga tungkulin sa itatalagang hepe ng PNP

by Powered by DWIZ
0 comment 26 views

Sinisimulan na ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang pag-aayos ng mga papeles para sa pag-turnover ng tungkulin sa susunod na magiging hepe ng pambansang pulisya.

Ito ang inihayag ni Albayalde matapos kumpirmahing itinakda sa Oktubre 29 ang change of command sa PNP o 10 araw na mas maaga sa kanyang mandatory retirement sa Nobyembre a-otso.

Paliwanag ni Albayalde, maagang itinakda ang araw ng change of command para walang maging conflict o hindi pagkakatugma sa schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte na dadalo naman sa ASEAN summit sa unang linggo ng Nobyembre.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Albayalde na makakapagretiro siya sa tamang oras na siyang tiniyak mismo sa kanya ni interior and local government Secretary Eduardo Año.

Magugunitang, naiuugnay ngayon si Albayalde sa usapin ng ninja cops at pagrerecycle ng iligal na droga ng kanyang mga dating tauhan noong 2013. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts