33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Aiko pinabulaanan ang balitang hiwalay na sila ng kanyang politician BF

- Advertisement -

Pinabulaanan ni Aiko Melendez ang balitang hiwalay na sila ng kanyang politician boyfriend kasunod ng pagba-byahe nito mag-isa patungong Amerika.

Matatandaang naging marubdob ang pangangampanya ni Aiko para sa kanyang boyfriend na si Jay Khonghun na nanalo bilang bise gobernador ng Zambales.

Ayon kay Aiko, nakakatawa ang balitang pinalayas na siya ni Jay at ipinadala ang kanyang mga damit sa bahay niya sa Quezon City.

Aniya, tulad ng mga ordinaryong magkasintahan ay dumadaan din sila sa problema.

Madalas ay nagiging isyu ang kawalan ng oras, pagiging insensitive at pagseselos.

Sa kabila nito, naayos naman aniya anoman ang kanilang problema at hindi pagkakaintidihan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -