Barkong donasyon ng SoKor sa Pilipinas darating sa Hulyo

0
56

Darating na sa Hulyo ang barkong donasyon ng South Korea sa Pilipinas.

Ayon kay Navy spokesperson Jonathan Zata, patapos na ang pagkukumpuni at rehabilitasyon sa BRP Conrado Yap.

Ngasilbi ang naturang barko sa Republic of Korea mula noong 1987 hanggang 2016.

Positibo si Zata na magiging malaking tulong para mas mapalakas pa at mapalawak ang pagbabantay ng Philippine Navy sa katubigang sakop ng bansa.