Saturday, May 4, 2024

Trillanes bumwelta sa banat sa kanya ni Duterte

- Advertisement -

Binuweltahan ni Senador Antonio Trillanes sa panibagong banat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, hindi pa man nakakabawi ang pangulo sa mga nauna na nitong ibinintang sa kanya tulad ng offshore bank accounts at akusasyon sa kanyang ina ay bumabanat na naman ito.

Tinawag nitong henyo si Pangulong Duterte dahil sa paniniwala nito sa mga bagong kwento ni alyas ‘Bikoy’.

Una nang inakusahan ng pangulo si Trillanes na mayroong mga dummy para itago ang kanyang mga sasakyan at property.

Kaugnay nito, sinabi ni Trillanes na ang pangulo ang siyang number one na gumagamit ng dummy account at lalabas din ito sa tamang panahon.

Tinawag din nitong walang hiya at hindi lalaki si Pangulong Duterte.

Pinangalanan ni alyas ‘Bikoy’ si Trillanes at iba pang miyembro ng oposisyon na siyang nasa likod ng kontrobersiyal na totoong narcolist videos na nagsasangkot sa ilang kapamilya ng pangulo sa operasyon ng iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img