67 katao huli sa anti-criminality campaign sa Maynila

by Powered by DWIZ
0 comment
67 katao huli sa anti-criminality campaign sa Maynila

Aabot sa animnapu’t pito (67) katao ang naaresto ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa nakalipas na 24 oras.

Isinagawa ang operasyon mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang alas-5:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay MPD District Director Senior Superintendent Vicente Danao Jr., ang anti-criminality campaign ay nakalatag 24/7 upang suyurin ang lungsod laban sa mga masasamang elemento.

Kabilang sa mga nilabag na ordinansa ay ng mga dinampot ay smoking ban, paglalakad nang walang pang itaas na damit at pag-inom ng alak sa lansangan.

—-

 

 

 

Related Posts