Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

4 suspek sa pananambang kay Vice Mayor Charlie Yuson III hawak na ng MPD

Hawak na ng Manila Police District o MPD ang apat na suspek sa pananambang kay Batuan, Ticao Island Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ayon kay MPD District Police Brigadier General Vicente Danao Jr, kukunan muna nila ng pahayag ang mga suspek bago maglabas ng karagdagang detalye.

Kahapon habang nag aalmusal ang bise alkalde at dalawang kasama nito sa Barangay 423, Sampaloc, Maynila, biglang huminto ang isang van at bumaba ang mga suspek at niratrat ang grupo ni Yuson.

Naisugod pa sa University of Santo Tomas Hospital si Yuson ngunit binawian rin ito ng buhay habang ang mga kasama nito ay ginagamot pa rin.

Related posts

Planong pag gaya ng Sri Lanka Govt sa war on drugs ng PH welcome sa Malacañang

RPN News

Anti-Subversion law suportado ng DILG

Powered by DWIZ

Transparency sa imbestigasyon sa salpukan sa LRTA hiniling

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More