36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

10,507 Pilipinong COVID-19 positive sa abroad naitala —DFA

- Advertisement -

Nadagdagan pa ng 44 ang kaso ng Corona Virus Disease (COVID-19) sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) umakyat na sa 10,507 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy mula sa 78 mga bansa at rehiyon.

Mula sa nasabing bilang, 2,988 dito ang patuloy na ginagamot ngayon sa iba’t ibang ospital.

Samantala, nadagdagan naman ng 51 ang bilang ng mga nakarekober na Pinoy na nasa ibang bansa dahilan para sa kabuuang 6,727 na total recoveries.

Wala namang napaulat na bagong nasawi at nasa 792 parin ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -