Friday, May 3, 2024

Isang buwang MGCQ sa Metro Manila posible —Sec.Lorenzana

- Advertisement -

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring ibaba na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Lorenzana, Mayorya sa mga Lokal na Pamahalaang Lungsod sa Metro Manila ang nais na ibaba sa MGCQ ang NCR ngunit mayroon paring ilan na gustong manatili sa GCQ upang maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Dagdag pa ni Lorenzana na siya ring Chairman ng National Task Force Against COVID-19 na takot parin ang ilang LGU’s sa Metro Manila na ibaba sa MGCQ ang quarantine status dahil posible umanong sumirit muli ang kaso ng COVID-19.

Samantala, inanunsyo naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging ulat sa bayan na mananatili pa sa GCQ ang Metro Manila sa loob ng isang buwan kasama na ang Batangas, mga Lungsod ng Tacloban, Bacolod, Iligan at Iloilo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img