Tuesday, May 7, 2024

Mabagal na pagbili ng gamot ng BuCor iimbestigahan ng DOJ

- Advertisement -

Sisilipin ng Department Of Justice (DOJ) ang pagpuna  ng Commission On Audit (COA) sa delay ng pagbili ng mga gamot ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa mga presyo.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mataas ang posibilidad na magkasakit ngayon ang mga preso dahil sa siksikan ang mga ito sa kulungan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit napakahalaga ng agarang pagbili ng mga gamot gayundin ang mga pagkain.

Batay sa inilabas na ulat ng COA, 7 Procurement Contracts na nagkakahalaga ng P65.53M para sa mga gamot ang naibigay ng mahigit sa 90-day period nitong nakaraang taon.

Anila, nasa 14 na proyekto naman ang nagkakahalaga ng P56.61M ang mayroong winning bidders ang hindi pa nabibigyan ng notice to proceed kung saan ito ay lumalabas sa RA 9184 o Government Procurement Reform Act.

Dahilan naman ng BuCor sa pagkaantala sa pagbili ay bunsod umano ng pagsuspinde ng ombudsman sa Chairman ng kanilang Bids and Awards Committee.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img