1 kumpirmadong patay sa Japan dahil sa super-typhoon Hagibis

1 kumpirmadong patay sa Japan dahil sa super-typhoon Hagibis

by Powered by DWIZ
0 comment 25 views

Isa na ang naitalang nasawi sa Japan bago pa man ang pag-landfall ng super typhoon Hagibis sa nabanggit na bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng Ichihara Fire Department sa Chiba, silangan ng Tokyo, isang 49 yrs. old na lalaki ang biktima na nadaganan ng mini truck na bumaligtad dahil sa lakas ng hangin.

Isinugod pa ang biktima sa ospital pero idineklara na ring nasawi.

Samantala, umaabot na sa 11,600 mga kabahayan sa Chiba ang naapektuhan na rin ng brownout dahil din sa lakas ng hanging dala ng super typhoon Hagibis.

Batay sa forecast ng Japan’s Meteorological Agency, inaasahang tatama sa central o silangang Japan ang super typhoon Hagibis, sabado ng gabi.

Taglay ng bagyo ang pagbugso ng hanging umaabot sa 216km/hr.

0 comment

Related Posts