Zamboanga: Umabot Sa Dalawang Daan O Higit Pa Ang Mga Kabahayan Na Natupok Sa Sunog

0
325

Umabot sa dalawang daan o higit pa ang mga kabahayan na natupok sa sunog kaninang madaling araw, Oktubre 13,2021, na nakatayang umaabot sa ₱ 4,000,000 ang pinsala dinulot nito sa mga pamilya nakatira sa Purok 3B, Dacon, Barangay Recodo, Zamboanga City.

Ayon kay Fire Marshall Chief Inspector Jacqueline Ortega ng Zamboanga City District Fire Station na isang 35 años na lalake na si Asari Mukarram ang nasugatan sa kaliwang binti habang nililigtas niya ang miembro ng kanyang pamilya at kanilang kagamitan sa bahay.

Sa ulat ni Ortega sa RPN DXXX Zamboanga tinatayang 400 mga pamilya ang apektado sa sunog at wala namang namatay sa naturang incidente.

Ayon kay Ortega, nakatanggap sila ng tawag kaninang 3:30 ng madaling araw at kaagad naman naapula ang sunog pagkalipas ng isang oras.

Sabi pa ni Ortega na karamihan ng mga bahay na natupok sa apoy ay yari sa kahoy o light materials.

Ayon pa sa kanyang na imposible na faulty wiring ang sanhi ng sunog dahil umano sa testimonya ni Otro Andag, isa din biktima ng sunog, walang kuryente ang buong lugar sa nakalipas na dalawang araw dahil nasira ang kanilang linya ng kuryente sa kasagsagan ng sama ng panahon.
(Photos courtesy of City Government of Zamboanga Facebook page) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here