31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Zamboanga: Pista Ng Milagrosang Nuestra Señora La Virgen Del Pilar, Kanselado

- Advertisement -

Zamboanga City – Kada Oktubre 12 ng taon, pinagdiriwang ng Zamboanga city ang pista ng Milagrosang Nuestra Señora La Virgen del Pilar ang patron ng lungsod.

Subalit ngayong taon, ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Pilar ay kinansela na ng pamahalaang local ng Zamboanga at ang pagsimba sa araw ng kapistahan ay kinansela na rin.

Ang shrine ng Our Lady of Pilar ay dinaragsa ng mga debotante tuwing pagsapit ng buwan ng Oktubre subalit ngayong pandemia nililimitahan na ng pamahalaan ang anumang pagtitipon y kasiyahan kasunod ng pagtaas ng COVID 19 cases sa ciudad na umaabot na sa 2,459 active cases.

Ang Our Lady of Pilar shrine ay naging lugar ng mga debotante saan sila humuhugot ng lakas para malabanan ang problema sa kanilang buhay.

Karamihan ng mga debotante ay nag sisindi ng kandila kasama inaalay ang kanilang dasal sa Birheng Maria.

Ngayon Oktubre 12, 2021, kinansela ang 6 na misa sa shrine at pinahintulot lang ang pontifical mass na gaganapin sa 5:00 p.m. at pinagbabawal ang pagsali ng mga deboto sa misa.

Nag anuncio naman ang Archdiocese of Zamboanga na kanselado na rin ang procession sa araw ng pista.

(File Photos of the procession of the image of Nuestra Señora La Virgen del Pilar and shrine were taken last October 12, 2018)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -