Pinangunahan ni Mayor Khymer Olaso noong lunes Agosto 31, ang programa bilang paggunita sa National Heroes’ Day. Sa okasyong ito, pinarangalan niya ang mga bayani ng nakaraan at kasalukuyan dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan, katapangan sa harap ng mga pagsubok, pagiging mapagmalasakit, integridad, at pagkakaisa.
Sa kanyang mensahe sa programang ginanap sa Rizal Monument sa tapat ng City Hall, kinilala ni Mayor Olaso ang mga “unsung heroes” o mga bayaning hindi gaanong nabibigyang-pansin sa mga lokal na komunidad “mga taong ang mga kwento ay maaaring hindi maisulat sa aklat ng kasaysayan, ngunit ang kanilang mga kontribusyon ay nagdulot ng pagbabago sa buhay ng iba.”
Kabilang sa mga makabagong bayaning ito ang mga sundalo at pulis, Guro, Health Worker, Magsasaka, at Mangingisda, lingkod-Bayan, Magulang, at mga ordinaryong Zamboangueño. Ayon kay Mayor Olaso, sila ang tumutulong upang gawing mas mabuting lugar ang Lungsod ng Zamboanga sa pamamagitan ng mga simpleng gawa ng kabutihan, katapangan, Katapatan, at Paglilingkod. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
