ZAMBOANGA: PATAY SA PAMAMARIL ANG ISANG HUKOM SA BARANGAY TUMAGA

    0
    3

    Idineklarang patay ang isang hukom matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang maga salarin sa kahabaan ng Tumaga-Putik Road, sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, noong Huwebes ng umaga Nobyembre 12, 2026.

    Kinilala ang biktima na si Judge Joseph Wee-Sit ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2, na nagmula sa Isabela City, Basilan.

    Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan nagtamo ng limang tama ng bala ang biktimang hukom matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo. Nangyari ang naturang insidente habang minamaneho nang biktima ang kanyang SUV sa Tumaga-Putik Road, Barangay Tumaga.

    Dinala pa sa pinakamalapit na ospital ang biktima upang sumailalim sa medikal na paggamot ngunit agad rin ito na binawian ng buhay.

    Sa ngayon patuloy ang isinasagawang Hot Pursuit operation at malalimang imbestigasyon ng mga kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pagpatay sa biktimang hukom. (Algie Rojas)

    LEAVE A REPLY