ZAMBOANGA: APAT NA “HIGH-VALUE INDIVIDUALS” KABILANG ANG ISANG BABAE ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BARANGAY MERCEDES

    0
    3

    Naging matagumpay ang isinagawang Drug Buy-Bust Operation ng mga tauhan ng PDEA- NCR, katuwang ang PDEA-Zamboanga City Office (PDEA-ZCO), City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), at iba pang yunit ng tagapagpatupad ng batas na lumahok sa naturang operasyon sa Barangay Mercedes, Zamboanga City noong Miyerkules Nobyembre 11, 2026.

    Agad na inaresto ang apat na “High-Value Individuals”, kabilang ang isang babae, kinumpiska mula sa kanila ang halos na 67 kilo ng pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price na nakakahalaga ng 455.6 Million Pesos at iba pang Non-drug evidence.

    Pormal nang sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa apat na arestadong suspek. (Algie Rojas)

    Source: PDEA RO IX

    LEAVE A REPLY