ZAMBOANGA:  IPINAGPATULOY ANG PAGBIBIGAY NG TULONG PANG-EDUKASYON

    0
    2

    Mahigit 300 mag-aaral sa ikalimang baitang mula sa Sta. Maria Central School SPED Center (SMCSSC) ang tumanggap ng tulong pang-edukasyon mula sa Pamahalaang Lungsod, sa isinagawang pamamahagi noong Miyerkules Nobyembre 11, sa Sta. Maria Covered Court.

    Ang mga magulang at tagapag-alaga ang tumanggap ng 1,000 Pesos na tulong pinansyal para sa mga mag-aaral, na layuning makatulong sa pagbili ng mga uniporme at kagamitan sa paaralan.

    Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pakikipagtulungan sa City Treasurer’s Office (CTO).

    Ang Educational Assistance Program ay nakabatay sa City Ordinance No. 908, na nagbibigay ng tulong pinansyal bawat taong panuruan para sa mga kwalipikadong mag-aaral mula Kindergarten hanggang Ikalabindalawang Baitang (Grade 12).

    Isinagawa rin ang katulad na pamamahagi sa Zamboanga City High School-West, Baliwasan Central School, at Rio Hondo Integrated School.

    Magpapatuloy ang pamamahagi sa iba pang mga paaralan hanggang sa matanggap ng lahat ng kwalipikadong mag-aaral ang kanilang tulong, alinsunod sa direktiba ni Mayor Khymer Olaso. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    LEAVE A REPLY