Mainit na sinalubong ng City of Houston si Mayor Khymer Olaso at ang kanyang delegasyon sa isang opisyal na pagbisita sa inorganisa ng Philippine Consulate General sa Huston.
Bilang bahagi ng pagbisitang ito, nakipagpulong si Mayor Olaso kay Ms. Ggi Lee, ang Chief of International Affairs, upang talakayin ang mga oportunidad para sa mas malalim na ugnayan sa pagitan ng dalawang lungsod.
Sa nasabing pag-uusap, nagpahayag ng pasasalamat si Ms. Lee kay Mayor Olaso dahil sa kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng mga oportunidad sa kalakalan, pamumuhunan, at turismo para sa Zamboanga City. (Algie Rojas)
Source: City Tourism Office.
