ZAMBOANGA:  SINURI NG (COA) ANG MGA PROGRAMA AT ACTION PLAN PARA SA MGA SENIOR CITIZEN

    0
    6

    Sinuri ng Commission on Audit (COA) ang implementasyon ng mga programa para sa mga senior citizen sa Zamboanga City kamakailan bilang bahagi ng kanilang *performance audit* sa *Philippine Plan of Action for Senior Citizens 2023-2028*.

    Nagsagawa ng *courtesy visit* sa City Hall ang *audit team* ng COA sa pangunguna nina Imelda Celso (Supervisor ng Performance Audit Office) at Toni Ann Guevarra (Audit Team Leader ) upang talakayin kasama ang mga kinauukulang tanggapan ng lungsod ang mga programang saklaw ng *audit*.

    Nagsagawa ng panayam sina Celso at ang iba pang miyembro ng *team* sa mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) na sangkot sa pagpapatupad ng * Social Pension Program* ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng *Expanded Centenarians Act* (ECA) ng National Commission of Senior Citizens.

    Nagsagawa rin ang *team* ng sarbey sa mga piling benepisyaryo ng dalawang programa upang makakalap ng impormasyon hinggil sa implementasyon at paghahatid ng mga ito sa mga kwalipikadong senior citizen

    Samantala, inatasan ni Acting Mayor Beng Climaco ang pinuno ng CSWDO ma si Ma. Socorro Rojas at ang mga kinauukulang tulong at kooperasyon sa *team* ng COA sa kabuuan ng kanilang mga aktibidad sa *audit* sa lungsod. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    Leave a Reply