ZAMBOANGA: ISANG WANTED NA INDIBIDWAL, NAHULI NG PDEA RO9 SA ISANG BUY-BUST OPERATION SA ISABELA CITY

    0
    5

    Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IX, katuwang ang mga lokal na awtoridad, ang isang wanted na indibidwal sa isang buy-bust operation na isinagawa kamakailan sa Barangay Makiri, Isabela City, Basilan.

    Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA RO9-Isabela City Office, sa suporta ng Isabela City Police Station, Regional Mobile Force Battalion 9, at ng Armed Forces of the Philippines partikular na ang 19th Special Forces Company, 6th Special Forces Battalion, Special Forces Regiment (Airborne).

    Naaresto ang Suspek na kilala sa alyas na “Tan-tan” 29 na taong gulang at residente ng Barangay Makiri, Isabela City Basilan, Siya ay may nakabinbing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

    Gayunpaman, ang isa pang target na suspek, na kinilala sa alyas “Foks,” kasama ang iba pa niyang mga kasamahan, ay nakatakas matapos ang isang armadong engkwentro. Sa kasalukuyan, sila ay nananatiling malaya.

    Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang heat-sealed na transparent na plastik na sachet na naglalaman ng puting kristal na substance na pinaghihinalaang shabu na may bigat na humigit kumulang 15 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng 102,000 Pesos. Narekober din ang perang ginamit sa buy-bust operation.

    Nagpaputok sina alyas “Foks” at ang kanyang mga kasamahan sa mga operatiba, na nagresulta sa isang maikling palitan ng putok. Gamit ang kadiliman at makapal na mga halaman sa paligid, tumakas ang iba pang mga suspek at nagtagosa mga kalapit na palumpungan, dahilan upang matagumpay silang makaiwas sa pagkaaresto sa kabila ng pagsisikap ng mga operatiba na hulihin sila.

    Ang nakumpiskang droga ay sasailalim sa forensic examination.

    Patuloy ang isinasagawang operasyon upang tugisin at mahuli ang mga suspek na tumakas. (Algie Rojas)

    Source: PDEA RO IX.

    LEAVE A REPLY