Sinimulan na ng mga tauhan mula sa General Services Office (GSO) ang paglalagay ng mga dekorasyong pamasko sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, habang papalapit na ang panahon ng pasko.
Tuwing ganitong panahon bawat taon, sinisimulan ng GSO ang pagbuo at paglalagay ng mga pailaw, sa kabila ng patuloy na pagdiriwang ng Fiesta Hermosa sa lungsod hanggang sa unang bahagi ng Nobyembre.
Ang paglalagay ng mga dekorasyong pamasko at mga pailaw ay naging tradisyon na sa pamahalaang lungsod upang maghatid ng saya ng kapaskuhan, palakasin ang pagkakaisa ng komunidad, at ipagdiwang ang panahon ng Pasko, sa kabila ng mga hamon. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
