Naging matagumpay ang isinagawang Drug Buy-Bust Operation kahapon sa Purok 7 Lopez Subdivision, Barangay. Tugbungan, Zamboanga City, ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Special Enforcement Team 1 (PDEA RSET1), kasama ang PDEA Zamboanga City Office, Naval Intelligence and Security Group-Western Mindanao (NISG-WM), at sa pakikipagkoordinasyon rin sa mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 6 Tetuan.
Arestado ang isang High-Value Target (HVI) na lalaki 35 taong gulang walang permanenteng trabaho at residente ng Tubig, Tanan, Bongao, Tawi-Tawi.
Kinumpiska mula sa suspect ang isang (1) open-end transparent plastic pack na nakaseal ng brown packaging tape na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu (buy-bust item). Mga balot at lalagyan tulad ng isang transparent plastic pack na may tatak na “PENANG KOPI-O”, isang itim na sando bag, pulang ecobag ng Robinson Supermarket, at isang brown na paper bag.
Iba pang ebidensya ang narekober tulad ng isang (1) tunay na 1,000 Pesos bill na ginamit bilang buy-bust money.
Sampung (10) bundle ng 1,000 Pesos na boodle money, isang (1) puting Oppo Cellular Phone, dalawang (2 identification card (Driver’s License at PhilHealth ID) sa pangalan ng naturang suspek.
Isang (1) itim na penshoppe sling bag, brown leather na pitaka at isang berdeng sando bag.
Ayon sa impormasyon umabot sa 1 Million Pesos ang tantyang street price nito ng nakuhang pinaghihinalaang droga, ngunit pumapatak naman ito sa 6.8 Million Pesos and standard value nito batay sa kanilang official Market Standards.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 o (Sale of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act No. 9165 a ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ronda Algie Rojas.
