Humigit-kumulang na 255 na pamilya na may 1,010 na indibidwal sa coastal area ng Aplaya, Manicahan ang inilikas sa multi-purpose covered court ng Barangay para sa kaligtasan dahil sa banta ng tsunami na resulta ng 7.0 magnitude na lindol na nagmula sa offshore Sarangani noong lunes ng umaga Hunyo 08.
Walang naiulat na nasugatan o aksidente ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ngunit patuloy parin ang monitoring sa lebel ng dagat.Kinailangang ilunsad ang sapilitang paglikas sa seaside area ng Barangay Manicahan dahil ang dagat ay nakaranas ng biglaang low tide, at kalaunan ay lumipat sa high tide.
Kabilang sa mga resources sa ground ang mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Task Force Zamboanga, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Barangay Ambulance at mga opisyal.
Naka-Standby ang mga koponan ng Emergency Medical Services (EMS) sa Manicahan Central Elementary School para sa anumang insidenteng medikal at trauma. (Algie Rojas)
