Iriga: Diocese of Legazpi, patuloy ang paghahanda para sa Pontifical Coronation ng Nuestra Señora de Salvacion

    0
    6

    (Legazpi City, October 26, 2026) Patuloy ang paghahanda ng Diocese of Legazpi para sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag nito, tampok ang Pontifical Coronation ng venerated image ng Nuestra Señora de Salvación, Patroness of the Diocese at Heavenly Queen of Albay, sa ika-28 ng Oktubre 2026.

    Gaganapin ang solemn celebration sa Saint Gregory the Great Cathedral sa Legazpi City, kasabay ng Solemn Jubilee Mass na magsisimula alas-8:30 ng umaga.

    Tampok sa makasaysayang okasyon ang Pontifical Coronation ng imahen ng Nuestra Señora de Salvación at imahen ng Infant Jesus, sa pamamagitan ng pahintulot ni Pope Leo XIV.

    Pangungunahan ni His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle, Dean of the College of Cardinals, ang banal na misa na inaasahang dadaluhan ng mga lingkod ng Simbahan, deboto, at mga mananampalataya mula sa iba’t ibang bahagi ng Albay at iba pang lugar.

    Inaanyayahan ng Diocese of Legazpi ang mga mananampalataya na sama-samang ipagdiwang ang makasaysayang aktibidad.

    Source: Albay PIO

    LEAVE A REPLY