Iniabot ng mga kinatawan ng Converge Fiber X isang internet service provider ang mga road safety signage sa pamahalaang lungsod noong umaga ng Miyerkules, Setyembre 9, sa bakuran ng City Hall. Ang mga signage ay nakalaan para gamitin sa panahon ng Zamboanga Hermosa Festival 2026 upang makatulong sa kaligtasan sa kalsada at magsilbing gabay sa mga motorista habang bumabagtas sa mga kalsada ng lungsod.
Ang mga donsayong signage ay tinanggap ni Executive Assistant on Traffic Management Ret. BGen. Edwin de Ocampo. Nanguna sa turnover ceremony sina GCIS Converge Operation Managers Ingrid Atilano at Nappy Atilano, Converge Business Center Supervisor Paola Ma, at Territory Sales Manager Benjamin De Leon Jr. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
