ZAMBOANGA: CHOP-CHOP NA KATAWAN NG ISANG LALAKI NATAGPUAN NOONG SABADO NG UMAGA SA BARANGAY SINUNUC

    0
    17

    Natagpuan ang labi ng isang 27 taong gulang na lalaki na pina puputol-putol ang katawan sa Purok 2 Barangay Sinunuc Zamboanga City noong Sabado ng umaga Setyembre 12. Kinilala ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) ang biktima na isang lalaki 27 taong gulang may asawa at residente ng nasabing Barangay.

    Ayon sa mga awtoridad isang concern citizen ang tumawag sa Zamboanga City Police Station 8 Sinunuc base sa impormasyon bandang 9:45 ng umaga ay magbubukas ito ng kanyang tindahan ng napansin nito ang isang kaduda-dudang maleta sa loob ng tindahan kung saan nakasilid ang hindi na makilalang labi ng isang tao.

    Agad na tumugon ang mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 8 Sinunuc sa naturang lugar at doon nakumpirma ang karumal-dumal na krimen na sinapit ng biktima natagpuan ang kanyang katawan sa loob ng maleta ang kanyang ulo, braso, at binti naman ay hiwalay na isinilid sa loob ng isang ice box.

    Base sa imbestigasyon at batay rin sa pahayag ng isang testigo itinuro na ang mismong bunsong kapatid ng biktima na isang 18 taong gulang na binata bilang pangunahing suspek sa krimen. Inaresto ito agad ng mga awtoridad, nag tungo rin ang mga tauhan ng SOCO team upang iproseso ang mga ebidensya at isasailalim sa forensic examination ang labi ng biktima. Patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin kung ano ang motibo na nag- udyok sa suspek na gawin ang naturang krimen. (Algie Rojas)

    Source: PRO9

    Leave a Reply