ZAMBOANGA: NAGBAHAGI ANG AKTRES NA SI CANDY PANGILINAN NG MENSAHE TUNGKOL SA PAGIGING MAGULANG SA ZAMBOANGA CITY

    0
    4

    Dumalo ang aktres at speaker na si candy pangilinan sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng Claret School of Zamboanga City at nagbigay ng espesyal na talakayan para sa mga magulang at guardian noong Sabado, Setyembre 12. Ibinahagi ni Pangilinan ang kanyang mga personal na karanasan at pananaw sa pagiging magulang sa nasabing sesyon, na bahagi ng mga aktibidad sa anibersaryo ng paaralan.

    Isang araw bago ang talakayan, nagsagawa si Pangilinan ng courtesy visit kay Mayor Khymer Olaso sa Zamboanga City Hall, kung saan mainit siyang sinalubong ng Alkalde sa kanyang pagbisita sa Zamboanga.

    Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Olaso sa pagbisita ni Pangilinan sa Lungsod at inanyayahan siyang lumahok sa gaganaping Hermosa Festival sa 2026. Kasama sa courtesy visit sina Claret School Director Fr. Aldrin Castillones, CMF; at ang nakababatang kapatid ni Candy Pangilinan. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    Leave a Reply