Yellow alert itinaas na sa Luzon grid

0
49

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon grid.

Ito ay dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon bunsod ng hindi inaasahang shutdown at limitadong generation ng ilang power plants.

Epektibo na simula kaninang alas-11:00 umaga ang yellow alert hanggang mamayang alas-5:00 ng hapon at alas-7:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ipinabatid ng NGCP na ang available capacity para sa Luzon grid ay 10,115 megawatts at may peak demand na mahigit nine megawatts na nangangahulugang mayroon na lamang 625 megawatts na reserba ng kuryente sa Luzon.

—-