Thursday, May 2, 2024

Yap hinikayat ang ibang pulitiko na tumulong sa gitna ng krisis sa COVID-19

- Advertisement -

Hinihikayat ni ACT-CIS Representative Eric Yap ang iba pang pulitiko na tumulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga nakakababa sa buhay na nakakaranas na kagutuman dahil sa umiiral na enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa mambabatas, kumakatok sya sa puso ng iba pang mga pulitiko na bigyan ng tulong ang mga hindi pa nahahatiran ng relief goods.

Aniya, maganda umanong itong pagkakataon na walang mga pasok at gamitin ang oras para mag-repack ng pagkain at mamahagi sa less fortunate na kababayan.

Samantala, umaasa naman ang ACT-CIS na tutugon ang ibang pulitiko sakanilang panawagan na tumulong sa mga nangangailangan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img