Saturday, May 18, 2024

Xian Gaza nasa labas pa ng bansa—Immigration

- Advertisement -

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nananatili sa labas ng bansa ang negosyanteng si Xian Gaza.

Ayon kay Dana Sandoval, Spokesperson ng Immigration, lumabas ng bansa si Gaza sa pamamagitan ng normal na proseso at hindi katulad ng kanyang mala-action movie na post sa social media.

Iginiit ni Sandoval na walang pending warrant of arrest si Gaza na tulad ng kanyang sinasabi sa kanyang post kaya siya nakalabas ng bansa na nalusutan niya ang mga taga-Immigration.

Ipinaliwanag ni Sandoval na awtomatikong may kopya ang Immigration sa anumang warrant of arrest na dumidiretso sa kanyang computer system kaya’t hindi puwedeng makalusot ang sinumang lalabas ng bansa na mayroong derogatory record.

Sa ngayon aniya ay patuloy nilang pinag-aaralan ang kasong isasampa laban kay Gaza upang hindi na pamarisan pa ng mga gusto lamang ipahiya ang ahensya ng gobyerno na tulad ng Bureau of Immigration.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -