Sunday, May 5, 2024

Work home scheme hindi kakayanin sa mga ibang industriya

- Advertisement -

Malamig ang grupo ng mga employers sa panukalang work from home para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ito matapos himukin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga ngeosyante na magpatupad ng nabanggit sa working scheme sa gitna ng patuloy na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis, mas gugustuhin pa ng mga negosyante na tumigil ng operasyon kaysa payagan ang kanilang mga empleyado na magtrabaho sa kani-kanilang mga tahanan.

Duda rin si Ortiz-Luis kung magiging posible aniya ang nabanggit na paraan ng pagtatrabaho lalu na sa mga manufacturing industry at iba pang pang-opisinang trabaho.

Dagdag ni Ortiz-Luis, maaari na lamang itong gawin sa pinakamatinding sitwasyon tulad ng pagpapatupad ng lockdown.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img