WHO pinatututukan ang mga taong may sintomas ng COVID-19

0
20

Pinatututukan ng World Health Organization (WHO) ang mga taong symptomatic o may sintomas ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, mas kailangan kasing bigyan ng atensyon ang mga may sintomas na dahil malaki ang tiyansang maipasa ito sa isang indibidwal.

Dagdag pa nito, na bagamat hindi inirerekomenda ng who ang paggamit ng DIY do it yourself (DIY) face mask at  personal protective equipment (PPE), mas mabuti naman aniya na may magamit ang mga tao.

Hindi man aniya 100% ang proteksyon nito ay nakakatulong pa rin naman ang DIY face masks at PPE.