Whistleblower sa ghost dialysis scam wala sa witness protection program

0
44

Wala na sa witness protection program ang mga whistleblower sa ghost dialysis scam.

Ibinunyag ito ni dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque matapos kasuhan sa Ombudsman ang 11 dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth.

Sinabi ni Roque na nabatid niya mismo mula kay Justice Secretary Menardo Guevarra na inalis sa WPP ang mga kliyente niyang sina Liezel Aileen De Leon at Edwin Roberto dahil na rin sa aniya’y limitasyon ng nasabing programa.

Binigyang diin ni Roque na walang hurisdiksyon kapag hindi grave offense na kinikilala lamang ng regional trial court.

Naniniwala si Roque na nakialam ang ilang PhilHealth officials para masira ang loob ng dalawang whistleblowers.

Binalaan pa ni roque ang mga aniya’y may masasamang budhi sa PhilHealth na kahit anong mangyari ay kakanta pa rin sina De Leon at Roberto.