Wesmincom ikinabahala ang walang paalam na pagpasok ng mga barko ng China

0
44

Ikinababahala ng AFP Western Mindanao Command ang walang paalam na pagpasok ng mga barkong pandigma ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Wesmincom Commander Lt. General Cirilito Sobejana, hindi nila tinututulan ang pagdaan ng mga malalaking barko ng iba’t-ibang bansa sa Sibuti Strait na maituturing aniyang innocent passage.

Gayunman, iginiit nito na iba sa mga Chinese vessel dahil pinapatay ng mga ito ang kanilang Automatic Identification Systems (AIS).

Sinabi ni Sobejana, posibleng may ibang pakay ang China tulad ng pang-eespiya sa pagdaan nito sa Sibutu Strait.

Dagdag ng opisyal, makabubuti kung magkakaroon aniya ng bagong batas na nagtatalaga ng sea lanes sa karagatan ng Pilipinas na kapwa makatutulong sa ekonomiya at seguridad ng dalawang bansa.